Ikaw at ako ngayong Pasko
Tila ang kulay ng dusa,
lungkot at pagdaralita
naglalahong bigla.
Init ng pusong umiibig
Aking gabay sa hanging kay lamig
Damdamin na hatid: tuwa na kay tamis, mundo na kay rikit.
Aking buhay na may pait
Pagsubok at lumbay
Aking dinadalit.
Diwang puno ng pag-asa,
Mundong pumapayapa, ang siyang pumapalit
Damdamin na hatid: kaligtasan at awit sa mundo na kay lamig.
Ikaw at ako magkapiling sa Pasko
Ikaw at ako katuwang bawat pusong umaasa
Sa kaligtasang hatid ng sanggol sa sabsaban
Ikaw at ako nagdiriwang ng Pasko.